MUNTING SULAT |
Sa sulat na lang ipahihiwatig ang lungkot na dulot ng ngayon at kahapon.
Sa lapis na lang idadaan ang mga sakit na di mapakawalan.
Ang papel na lng ang makakaalam ng sugat ng pusong nasasaktan.
Sa bawat paghawak sa panulat ay s'yang pag-asang ikagagaan ng bigat na nararamdaman.

Ngunit tila linyang tinutungo ay s'yang pagtagos ng butil ng luhang tinatago.
Bawat letrang naisusulat ay s'yang nagpapaalala ng hinagpis ng kahapon.
Sa bawat espasyong naililimbag ay s'yang laki ng pagharap sa mundo ng nag iisa
Sa bawat pagtatapos ng pangungusap ay syang pagbalik ng alaalang ayaw ng balikan.

Paano nga ba maghihilom ang sugat na tinimo ng nakaraan?
Kung sa bawat pagsulat ay ikaw ang laman.
Kung sana'y kaya ring wakasan ng tuldok ang iyong alaalang naiwan,
Di na sana naisapan pang sulat na lang pakawalan
Ang lumbay na sa puso'y bilanggo ng nakaraan.